Friday, October 19, 2012

Barkada lang kayo.

And so, nainspired na naman ako ng katapangan ni ate frans. What the hell? Bakit ba ang bilis kong manghina? Bakit ba napakahina ko? Ahh oo. Nagsimula to nung natutunan ko kay Oz na "All I just have to do is accept and then i won't be hurt again." Tama. Natuto akong tanggapin lahat ng bagay. Natuto akong sanayin ang sarili ko sa mga bagay na hindi ko kaya, pinilit ko, iniyakan ko, prinoblema ko. Pero umarte lang ako na parang wala lang. I'm so proud of myself dahil ako'y isang con artist at kinaya ko to mag-isa. Yah, mag-isa. Dahil tinanggap ko na may sarili ding buhay ang mga friends ko. Obviously mahirap. Sobra. Alam mo yung feeling na dati, parang malungkot yung friends mo pagwala ka. At kahit tinatanggihan mo sila, pinipilit ka parin nila no matter what then biglang nagbago lahat, hindi ka na ginaganon. Parang hindi ka na importante sa mga friends mo. Ok. Aminado ako. Ako na paVIP. Pero hindi ba ang true friends importante sa isa't isa?

No comments:

Post a Comment