Parang mungewan tong araw na to. Ang aga ko dumating sa school, 6:40am. Nganga lang ako hanggang 8am. Tapos nagpasama sakin si Jerome kina ate pau. Akala naman namin hindi makakasama si ate pau, buti nalang pinayagan siya. Onti lang kasi kaming pumasok, mga walo. Nagdala pa ng gitara di rin naman nagamit. Pano, hindi kami pinapagamit ni madame kasi may program. Pinagdala pa kami e no. Ano gagawin namin dun kung hindi rin naman magamit? Naboring tuloy ako.
Nagpresent bawal levels. Kaming 3rd years lang ang wala. Hahaha. Bakit ba, e hindi kami handa e. Gusto nila magpresent kami pagkatapos ng exam, ano sila hilo? Edi hindi na kami nakapag aral non.
Eto naman kwento kay crush. Shit tinitignan ko na naman siya! Lintik. Nagdecide na nga ko tigilan ko na ang katitingin sakanya e kaso waepek naman. Talagang tinitigan ko siya. Minsan naaabutan ko syang nakatingin din. Pero ngayon pagtinitignan ko siya, hindi na ko nahihiya. Kasi pagnakatingin ako, parang simpleng tingin lang, ta's pagtitingin na siya, simpleng tingin sa iba na ko. Pasimple lang ako kumbaga. Baka kasi mahalatang crush ko parin siya pag nakatingin ako sakanya ng malagkit. Hahaha ansaveh?!
Ang katawan ko sobrang sakit. :/
No comments:
Post a Comment